Laban! : Bakit? : Limang Taon : About UNIFIL : Contact Us

 

Three out of five. Kung baga sa score, 3-2.

Simula nang ipinanukala ito noong 1998, bukod sa napababa, tatlong beses nang hindi naapruba ang wage cut sa mga foreign domestic workers.
Bunga ito ng ating mahigpit na pagtangan sa ating mga karapatan at sama-samang pagkilos laban sa mga atakeng ito.
Habang ating isinusulong ang kampanya laban sa panibagong HK$400 wage cut, ating balikan ang kasaysayan ng ating mga pagkilos, tagumpay at patuloy na paglaban sa

LIMANG TAONG PAKIKIBAKA
Mga Tagumpay at Pagsulong ng Ating Kampanya
Laban sa Wage Cut


1998 agosto.Nagpanukala si Jennifer Chow Kit-bing, Provisional Councillor, na bawasan ng 20% ang minimum allowable wage (MAW) ng mga FDH. Kasabay nito, nagpanukala naman ang Employers Association of Foreign Domestic Helpers na bawasan ang MAW ng 35%.
Kagyat na inilunsad ng AMCB ang kampanya laban sa wage cut.

Disyembre.Humigit kumulang 2,000 ang lumahok sa isang martsa-protestang pinangunahan ng AMCB laban sa wage cut.

1999 NAPALIIT ANG WAGE CUT!
Enero Dahil sa ating paglaban sa wage cut proposals, hindi natuloy ang 20-35% cut. Nagdesisyon ang HK Government na bawasan ng 5% ang MAW.


2000 Enero Nagpanukala ng 20% levy ng mga FDH si Choy So-Yuk bilang bayad sa mga public services na ating ginagamit (hal. parke, CR, ospital.)

Nagkasa ang UNIFIL ng kampanya laban dito.

2001 HINDI NAITULOY ANG LEVY.
Enero Inanunsyo ng HK Executive Council ang freeze sa MAW.

hulyo Ipinapanukala ng Labor Department ang HK$400 levy sa FDH na siyang gagamitin sa retraining program ng mga local workers na nais magtrabaho bilang DH.
Kagyat natin itong tinutulan. Umatras ang LD at hindi itinuloy ang levy.

nobyembre Naglatag ng mga panukala ang HK government ng mga “measures to raise revenues”, kasama ang 15-20% wage cut sa mga FDH. Kagyat na tinutulan ito ng UNIFIL at AMCB.

disyembre 2 Mahigit 3,000 FDHs ang nagmartsa mula sa Victoria Park hanggang CGO.

7 Napwersang nagpatawag ang Education Manpower Bureau ng isang dayalogo sa AMCB hinggil sa isyu.

2002 Enero Sa tulong ng MIGRANTE-International at BAYAN MUNA sa Pilipinas, napapunta ng UNIFIL ang mga kinatawan ng Committee on Labor ng Philippine Congress upang mag-lobby sa HK government.

13 Mahigit 5,000 ang sumama sa malaking protest march laban sa wage cut. Dumalo ang Bayan Muna sa pangunguna ni Cong. Satur Ocampo.

30 Inanunsyo ng EMB na imimintina ang MAW ng FDH.

oktubre Nagpanukala ang Liberal Party (LP) na patawan ng HK$500 levy ang mga FDH. Nagsunuran na ang DAB at Progressive Alliance.

nobyembre Sumulat ang AMCB sa mga Legislative Councilor upang hingin ang kanilang tulong para labanan ang panukalang wage cut at HK$500 levy. Nagpahayag ng suporta si Hon. Audrey Eu.

Sa Philippine Consulate, inihapag ng UNIFIL kay Cong. Roseller Barinaga na kagyat na harapin ng pamahalaan at ng Kongreso ang panukalang ito.

14 Tumangging magpahayag ng pagtingin sa levy si Hon. Rita Fan, Presidente ng Legislative Council (LEGCO) dahil kailangan daw na manatiling nyutral ang kanyang posisyon. Gayunpaman, ipinasa niya sa lahat ng kasapi ng LEGCO ang sulat ng AMCB.

17 Inilunsad ng AMCB ang kampanya laban sa Wage Cut at Levy sa isang press conference kasabay ng isang martsa-protestang dinaluhan ng mahigit 500 migrante.

24 Sa ika-8 Kongreso ng UNIFIL, itinakda ng alyansa bilang pangunahing kampanya ang paglaban sa wage cut at levy. Inilantad din at binatikos ang mga grupong nagpapakalat ng palasuko at patalong ideya katulad ni Joey Ortega.

disyembre 8 Nanawagan ang UNIFIL-AMCB sa mga kababayang dumalo sa pagdiriwang ng kapaskuhan sa Chater Garden na lumahok sa gaganaping kilos-protesta sa December 15. Sinusugan ng Philippine Consulate ang panawagang ito.

15 Mahigit 5,000 katao ang dumalo at nagmartsa simula Victoria Park hanggang CGO habang isinisigaw ang “NO TO WAGE CUT! NO TO LEVY!”

2003 Enero Pinangunahan ng Jesus is Lord Movement ang isang prayer rally. Tinatayang 8,000 mga kasapi ng JIL kasama ang mga kinatawan at delegasyon ng AMCB ang nagmartsa.

16 Muling pinatunayan ng mga migrante ang pagkakaisa laban sa wage cut at levy ng mahigit 3,000 katao ang nagmartsa simula Victoria Park hanggang CGO.

peb 16 AMCB press conference at UNIFIL Public Forum sa Chater Road, pag-anyaya para sa malakihang rali sa Peb 23.

23 Iginuhit ng mga migranteng manggagawa sa Hong Kong ang pinakamalaking pagkilos sa buong kasaysayan ng kilusang migrante sa buong mundo. Mahigit sa 12,000 Pilipino, Indonesian, Thai, Nepalese at Sri Lankan ang nakiisa sa martsang tumagal ng halos apat na oras.

26 Sa isang LEGCO briefing, ipinahayag ni Chief Administration Secretary Donald Tsang ang desisyon ng HK government na bawasan ng HK$400 ang MAW ng mga FDHs simula April 1. Gayundin, papatawan ng HK$9,600 sa loob ng dalawang taon ang mga employer ng FDH.

Naglunsad ng pagkilos ang AMCB sa labas ng LEGCO upang kondenahin ang malupit at di-makatarungang desisyon. Sa araw ding iyon, idineklara ng AMCB na tuloy ang laban.

28 Sumulat ang AMCB sa International Labour Organization at Equal Opportunities Commission ng letter of appeal hinggil sa isyu.

marso 2 Isang kilos protesta ang isinagawa ng AMCB upang kondenahin ang desisyon ng HK Government.

Nagpatawag ang Konsulado ng konsultasyon sa Filipino community. Pinagkaisahan ng lahat na ituloy ang laban at pagtutol sa mga planong pag-ban ng deployment ng mga OFWs sa Hong Kong.

5 Sinalubong ng AMCB ng protesta ang Budget speech ni Stephen Leung. Samantala, nagulantang ang mga migrante sa anunsyo ni Pang. Arroyo na temporary suspension o ban sa deployment ng OFWs.

6 Nag-piket ang UNIFIL sa harap ng Konsulado bilang pagprotesta sa ban at pagtaksil nito sa kaisahan ng March 2 meeting.

7 Nagpahayag si Anna Wu, tagapangulo ng EOC, na ang wage cut ay discriminatory at nanawagan ito sa HK government na iatras ang desisyon nito.

8 Nanawagan ang UNIFIL na patalsikin si Labor Secretary Patricia Sto. Tomas bilang mastermind ng ban.

9 Mainit na public forum ang inilunsad ng UNIFIL sa Chater Road hinggil sa wage cut, levy at ban. Sinimulan ang signature campaign para ibalik ang HK$3,670 MAW.

11 Kasama ng ibang mga grupo at indibidwal, nagpatawag ang UNIFIL ng konsultasyon sa Konsulado upang ihapag ang panawagang i-lift ang ban at ituloy ang laban. Humingi ng 2 araw na palugit ang Konsulado.

12 Nagsalita si Connie Bragas-Regalado sa harapan ng Manpower Panel ng LEGCO upang irehistro ang ating mga kontra-argumento sa wage cut at levy.

Go back to Labanan...

Laban! : Bakit? : Limang Taon : About UNIFIL : Contact Us

United Filipinos in Hong Kong UNIFIL-HK (c)2003