main Campaigns Resourcess Forums Gallery Links Contact Us  
About MFMW

 

 

     
Campaigns: Government exactions    


Isang Panawagan sa Ating mga Kababayan

Matapos ang matagal at walang humpay na pagtutulak ng mga migranteng Pilipino, sa wakas ay nabuksan nang muli ang FWRC. Sa toto lamang, dapat ay noon pa. Hindi natin alam kung anong nangyari sa mga kababayan nating nangailangan ng pansamantalang tuluyan sa panahong nakasara ang center na ito. Hindi rin maikakaila na kun`di dahil sa patuloy na panawagan at pagkilos ng mga organisasyon ng migranteng Pilipino sa Hong Kong, marahil ay matatagalan pa ang pagbubukas ng center na ito. Ngunit hindi ito dito natatapos.

Nandirito tayo hindi upang mag-protesta sa pagbubukas ng FWRC kun`di upang ipagpatuloy ang pagharap sa mga isyung may kaugnayan sa okasyong ito.

  • Sa 16 na buwan na nakasara ang FWRC, saan napunta ang pondo na sana’y para sa operasyon ng center na ito? Noong June 11 ay ipinangako sa atin ni Asst. Labatt Victor Cabe na kanyang ibibigay sa atin ang accounted report ng FWRC sa loob ng dalawang lingo. Hanggang sa ngayon ay hindi ito nailalabas kahit na anino lamang.
  • Kailangang papanagutin si Labor Attaché Esperanza Belmonte sa kanyang ginawang pagtanggap ng "donasyon" mula sa Hong Kong Employment Agencies Association (HKEAAL). Ito ay tahasang paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act No. 6713) at marapat lamang na harapin niya ito. Malinaw na kawalan ng delicadeza ang pagtanggap ng "donasyon" mula sa mga ahensyang rekruter na kilala sa panghuhuthot mula sa ating mg OFWs.
  • Hindi dapat gamiting dahilan ang pagbubukas ng FWRC para ipatupad ang mga dagdag na singilin tulad ng OWWA Resolution 99-016 (taon-taong pagbabayad ng US$25) at ang Executive Order 197 (pagtataas ng lahat ng bayarin sa gobyerno nang hindi bababa sa 20%).

Maging mapagbantay tayo upang mapangalagaan natin ang ating mga karapatan at kagalingan – ito ang hamon sa atin ng okasyong ito.

 

ILABAS ANG AUDITED REPORT NG FWRC!

LABATT BELMONTE, PAPANAGUTIN!

IBASURA ANG OWWA RESOLUTION 99-016!

IBASURA ANG EXECUTIVE ORDER 197!

ITIGIL ANG PANGINGIKIL SA MIGRANTENG PILIPINO!

United Filipinos in Hong Kong (UNIFIL-HK)

Tel no.: 28104379

 
 
Search our site:
advance search
 
 
 
     
Back to top    
     
1995 - 2001 (c) copyright
The Mission for Filipino Migrant Workers (HK) Society
e-mail: mission@migrants.net
website: http://www.migrants.net