main Campaigns Resourcess Forums Gallery Links Contact Us  
About MFMW

 

 

     
Campaigns: Government exactions    

TUTOL KAMI SA OWWA RESOLUTION 99-016!!!

Ang OWWA Resolution 99-016 ay naglalayong mangolekta ng halagang US$25.00 taon-taon sa bawat migranteng Pilipino. Ang resolusyon na ito ay nilagdaan noong 15 December 1999 ng iba't-ibang ahensya ng pamahalaan katulad ng OWWA, DFA, DOF, DOLE, Department of Budget and Management, POEA at ng apat na sectoral representatives na hindi naman natin nakikilala.

Ang OWWA Resolution na ito ay hindi bago, dati na ito sa kanyang pangalan na MOI#8. Subalit ang Resolution na ito ay mas mabangis dahil ito ay mandatory at gagawing taon-taon ang paniningil.

Ayon sa Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 (Republic Act 8042), libre dapat ang serbisyo at hindi dapat pasanin ng migrante ang "administrative costs" tulad ng sweldo at renta ng opisina. Maliwanag na binabayaran natin ito batay sa OWWA budget.

Sa bawat US$25.00 na sinisingil sa migrante, $2.00 na lang ang napupunta para sa direct benefits ng OFW at $16.75 ang napupunta sa sweldo, allowances at kagamitan ng OWWA lalo na ng Board of Trustees nito. Ang OWWA membership fee, kung gayon ay hindi isang trust fund kundi isang buwis at bayarin na pinapasan ng OFW.

Ang ganitong mga pangingikil na may halong panlilinlang ay iskema ng gobyernong Estrada upang mailebre nila ang kanilang sarili sa responsibilidad at upang matustusan nila ang mga kontra-mamamayang patakaran kagaya ng paglulunsad ng mapaminsalang digmaan sa mamamayan ng Mindanao.

Hindi kami kailan man makapapayag na maging biktima ng mga hindi makatarungang patakaran kung kaya't mahigpit naming tinututulan ang resolusyong ito. Patunay dito ay inilalakip namin ang aming mga pangalan at lagda bilang pagpapahayag ng aming pagtutol sa implementasyon ng OWWA Resolution 99-016.

IBASURA ANG OWWA RESOLUTION 99-016!!!

LABANAN ANG PANGINGIKIL NG GOBYERNONG ESTRADA!!!

 
 
Search our site:
advance search
 
 
 
     
Back to top    
     
1995 - 2001 (c) copyright
The Mission for Filipino Migrant Workers (HK) Society
e-mail: mission@migrants.net
website: http://www.migrants.net